NAGA CITY- Kumpiskado ang aabot sa halos P1-M na halaga ng pinaghihinalaang shabu sa magkakasunod na Anti-illegal Drug Operation ng PDEA at PNP sa Libmanan Camarines Sur.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga, napag-alaman na unang pigsalakay nga mga awtoridad ang isang drug den sa Barangay San Juan sa bisa ng search warrant, kung saan nadatnan sa lugar si Julio Navarro Jr. 36-anyos, na umano’y drug den maintainer at ang mga kasamahan nito na sina Eduardo Vargas, 22-anyos, isang shoemaker ng Brgy. Poblacion; John Rey Brioso, 30-anyos, isang driver; at si David Casulla Jr., 38-anyos na gumagamit ng nasabing pinagbabawal na gamot.
Nakumpiska pa sa mga suspetsado ang isang pakete na mayroong laman ng pinaghihinalaan na shabu na nagkakahalaga nang nasa P340-K.
Sa kabilang banda, sunod naman na sinalakay ng kaparehas na grupo ang bahay ni Eduardo Vargas Jr. 47-anyos ng Brgy. Poblacion sa nasabing bayan at itinuturing na isang High Value individual.
Narekober naman kay Vargas ang heated sealed transparent plastic bags na mayroong laman na pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga nang P680-K.
Sa ngayon, ang mga nadakip na mga suspetsado gayundin ang mga nasamsam na mga ebidensya ang nasa kustodiya na ng mga otoridad para sa karampatang kaparusahan.