NAGA CITY- Nakumpiska ang tinatayang P122,400 na halaga ng iligal na droga sa anim na suspek matapos salakayin ng mga awtoridad ang isang drug den sa Zone 2, Brgy. Tabuco, Naga City.

Kinilala ang mga suspek na sina Danilo Julia, 46-anyos; Jessica Julia, 42-anyos; Charlie Chavez, 48-anyos; Garry Rodriguez, 46-anyos; Allan Julia, 35-anyos; at isang 17-anyos na dalagita.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Naga City Police Office, nabatid na nakumpiska sa mga suspek ang nasa 13 pakete ng pinaniniwalaang shabu na may bigat na nasa 18 grams.

Sa ngayon, nasa kustosiya na kan mga awtoridad an mga suspek para sa karampatang disposisyon.