NAGA CITY- Naglaan ng P12M ang bayan ng Lagonoy para sa pambili ng COVID-19 vaccine.
Sa panayam ng kan Bombo Radyo Naga kay JB Pilapil, alkalde ng nasabing bayan, sinabi nito na 20% umano naturang pondo ay mula sa kaniya.
Ayon pa dito, ang magigin priority o mas uunahin umano na bigyan ng vaccine ang mga frontliners gayundin ang mga senior citizens kung kaya inihahanda na umano nila ang listahan ng mga babakunahan para sakaling dumating na ang bakuna, isasagawa na umano ang pamamahagi nito.
Ang problema aniya nila kun saan ilalagay ang mga bakuna sakaling dumating na ito dahil nais umano ng lokal na pamahalaan ng Lagonoy na nakahiwalay ito sa iba pang mga vaccines ng kanilang bayan.
Inamin din ng alkalde na hindi kakasya ang P12M para sa lahat ng na mamamayan sa Lagonoy kung kaya kahit anong brand ng bakuna umano ang ibigay o mabili ay walang problema, basta naaprubahan ng FDA.
Kaugnay nito, sinabi ni Pilapil na walang dapat ipag-alala ang mga residente ng naturang bayan.
Sa ngayon, nanawagan si Pilapil sa kaniyang mga nasasakupan na patuloy na magsunod sa mga ipinapatupad na health protocols para makaiwas na mahawaan ng nakamamatay na sakit.