NAGA CITY- Umabot sa nasa P2.6-M ang halaga ng iniwang pinsala sa nangyaring sunog sa Perez, Quezon.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay F02 Reden Del Moro, Arson Investigator ng Perez Quezon Fire Station, sinabi nito na anim na kabahayan ang natupok dahil sa insidente.
Ayon pa sa opisyal, mainit umano ang panahon ng mangyari ang sunog at gawa sa mga light materials ang mga bahay kung kaya mabilis na kumalat ang apoy.
Sa tulong ng kalapit na firestation at ng isinagawang bucket relay ng mga tao kabilang na ang kanilang alkalde, kaagad na naapula ang sunog matapos ang isang oras.
Dagdag pa ni Del Moro, wala namang naitalang nasugatan o binawian ng buhay sa insidente.
Sa ngayon, patuloy pa umano ang kanilang isinasagawang imbestigasyon upang malaman ang rason ng nasabing insidente.