NAGA CITY – Kumpiskado ang mahigit P3.1-M na halaga nang pinaghihinalaang shabu sa ikinasang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Lucena City.

Kinilala ang mga suspek na sila Edward Herrera Sales, 50-anyos; Lorebeth Andaya Berba, 47-anyos, residentes ng nasambing lungsod at Andrew Geromo Asagra, 29-anyos, residente naman ng Brgy. Ungos, Real Quezon.

Sa nasabing operasyon, nakumpiska sa mga suspek ang 36 na piraso ng heat-sealed transparent plastic sachets nang pinaghihinalaang shabu na mayroong bigat na nasa 153 grams at nagkakahalag nang tinatayang P3,125,280.

Sa ngayon, nasa pangangalaga na nang mga kapulisan ang mga suspek para sa karampatang disposisyon.