NAGA CITY- Umabot sa P4.7-M ang halaga ng shabu na nakumpiska ng PhilippineDrug Enforcement Agency(PDEA) sa dalawa katao sa Zone 6, Barangay San Isidro, Iriga City.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga kay King Lucero, Provincial Officer ng PDEA-Camarines Sur, sinabi nitong nakumpiska nila ang tinatayang nasa 500 hanggang 700 grams ng pinaniniwalaang shabu.

Ayon kay Lucero, naaresto ang dalawang suspek, malapit lamang sa isang sementeryo sa naturang lugar.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad habang hinahanda na ang kasong isasampa laban sa mga suspek.