NAGA CITY- Naibahagi na ang nasa P5.9-M na halaga ng Fertilizer Discount sa nasa 1,573 na benepisyaryo sa bayan ng San Fernando, Camarines Sur.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Allan Salvador, Municipal Agriculturist Officer ng lokal na gobyerno ng nasabing bayan, sinabi nito na naibigay na nila ang nasabing tulong sa paraan ng National Rice program ng DA Regional Office V.

Ang naturang programa ay magiging isang malaking tulong para sa mga paraoma lalo na at nakakabawas din ito sa kanilang mga gastusin.

Sa kabilang banda, patuloy rin ang pagbabahagi ng kanilang ahensiya ng mga hybrid rice na layuning mas lalo pang mapataas ang produksyon ng bigas sa bansa.

Malala, isa sa mga kahilingan ng kasalukuyang administrasyon ang masiguro na sapat ang supply ng pagkain sa bansa.

Kaugnay nito, ang patuloy na pagtugon at kahandaan para sa posibleng maging epekto ng El Niño phenomenon sa bansa sa mga susunod na araw lalo na at inaasahan na muling mararamdaman ang labis na init ng panahon sa unang kwarter ng kasalukuyang taon.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang mga aktibidad ng ahensya upang tulungan ang bawat magsasaka sa nasabing bayan.