NAGA CITY- Tinatayang aabot sa P7.6 Billion ang kinakailangan ng gobyerno upang mapunan ang lahat ng naging epekto sa ekonomiya ng
Extended Community Quarantine sa Bicol Region.
Sa pahayag ni NEDA RD Agnes Tolentino, sa Public Consultation sa Balik Probinsya, Balik Pag-asa , sinabi nito na sa isinagawang assessment nasa 4.7% ang epekto ng community quarantine sa Bicol Gross Regional Domestic Product.
Ayon kay Tolentino, aabot sa P2.3M ang income losses sa agrikultura habang P14.5M naman sa industry ang services kung saan may kabuuan itong bilang na P14,573.53 Milyon habang P6.9 Milyon lamang ang naipamigay na government subsidies.
Nabatid na ang nasabing pagtitipon ay ang unang Public Consultation upang pag-usapan ang balik probinsya, balik pag-asa program na binubuo ng
mga government officials mula sa regional at locals, community leaders at marami pang iba.