NAGA CITY- Tinatayang aabot sa P8.6 million ang street value ng pinaniniwalaang shabu ang nasabat ng mga otoridad sa isinagawang buy bust operation sa Lucena City.

Kinilala ang mga suspect na sina Mary Jane Joven Pamatmat, 30-anyos at Niel Carlo Catipon Tolentino, 24-anyos.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alamang nahuli ang mga suspect sa isinagawang buy bust operation ng pinag-isang pwersa ng Quezon Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU/PIB) at Lucena City Drug Enforcement Unit.

Nakuha sa mga suspect ang aabot sa 425 grams ng pinaniniwalaang shabu, at nagkakahalaga ng ₱19,000.00 boodle money, isang shoulder bag na may laman pang apat na transparent plastic bag ng pinaniniwalaang droga at mga drug paraphernalia.

Sa ngayon nasa kustodiya na ng mga otoridad ang mga suspect habang hinahanda na ang kasong isasampa laban sa mga ito.