NAGA CITY – DEAD-ON-ARRIVAL ang isang lalaki matapos magpatiwakal sa Ciudad Maharlika, Purok Ilang-ilang, Brgy. Isabang, Lucena City.
Kinilala ang biktima na si Ruel Brazal, 42-anyos, residente ng nasabing lugar.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na natagpuan na lamang ng anak ng biktima na si Angel Mae Arellana Brazal ang kaniyang ama na nakabigti sa loob ng kanilang comfort room.
Ayon pa dito, sinubukan pa sanang dalhin sa ospital ang biktima ngunit idineklara rin itong dead-on-arrival ng mga doktor.
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, nabatid na posibleng depresyon ang naging dahilan ng pagpapakamatay ng biktima.
Hindi kasi umano alam ng biktima kung saan kukuha ng pambayad para sa renta ng kanilang bahay lalo na’t hindi pa ito nakakakuha ng permanenteng trabaho.
Sa ngayon, isinailalim na sa post mortem examination an katawan ng biktima.