NAGA CITY- Malaking oportunidad para sa isang indibidwal ang kanyang pag-aalaga ng Ornamental Fish o ang tinatawag na Aquaculture.
Ayon kay Robert James Manansala, ito ang kaniyang pinagkukunan ng hanap buhay at malaki ang naitulong nito upang mabago ang takbo ng kanyang buhay.
Kaugnay nito, sinabi pa ni Manansala, na hindi madali ang pag-aalaga ng nasabing isda dahil kailangan nito ang tamang proseso.
Dagdag pa nito na kanyang natutuhan ang ganitong hanapbuhay mula sa kaniyang ama na isa ring aquaculturist.
Sa kabilang banda, malaki ring ang pasasalamat ni Manansala sa kanilang gobernador at iba pang organisasyon na tumutulong at nagbibigay ng pinansyal na suporta sa kaniya tuwing nagkakaroon ng mga aktibidad o exhibit.
Sa paraang ito, lumawak umano ang kanyang oportunidad at naiuwing kita na malaking tulong sa kanilang pamilya.
Samantala, masaya ring ibinahagi ni Manansala na matapos ang kanyang pagsali sa young farmers challenge nabago ang kanyang buhay at paglagay sa posisyon na kanya namang pangarap.
Sa ngayon ay hinikayat na lamang nito ang lahat na pag-aralan ang mga bagay na magbibigay ng kapanikanabangan sa kanilang buhay.