Photo © web

Naghain si Senador Loren Legarda ng dalawang panukalang batas na layong bawasan ang VAT sa pangunahing bilihin, serbisyo, at medikal na pangangailangan upang ginhawahin ang mga low- at middle-income families sa gitna ng krisis sa Middle East.

Sa ilalim ng Senate Bill No. 1851 (Differentiated VAT Rates Act), ibababa sa 10% ang VAT sa mga produkto at serbisyo na karaniwang ginagamit ng mahihirap at middle-class, habang mananatili sa 12% ang buwis sa luxury goods, high-value assets, “sin” products, at premium real estate.

Samantala, ang Senate Bill No. 1857 (Murang Bilihin at Serbisyong Medikal Act) ay naglalayong tuluyang alisin ang VAT sa mga staple food, household essentials, pangunahing serbisyong medikal, over-the-counter na gamot, first-aid supplies, pati na rin sa basic household electricity at basic internet access para sa personal at pang-edukasyon na paggamit.

Ayon kay Legarda, layunin ng mga panukala na protektahan ang purchasing power ng low- at middle-income earners habang nananatili ang kita ng pamahalaan mula sa non-essential at luxury products. Binanggit din niya na magkakaroon ng threshold sa konsumo ng kuryente at tubig upang hikayatin ang responsable at maayos na paggamit ng mga tahanan.

Advertisement

Aniya, “Magbibigay agad ng ginhawa ang mga hakbang na ito sa mga may mababang kita upang matulungan silang makaraos sa araw-araw at makapagtayo ng mas maayos na kinabukasan para sa kanilang pamilya.”

Advertisement