NAGA CITY- Lumalabas ngayon ang dalawang bersyon ng istorya sa pag-ambush sa sinasakyan ni dating Congressman Rolando “Nonoy” Andaya.

Ayon kasi sa kampo ng kongresista, sinasabi na papunta ito sa Iconic Capitol building sa Camarines Sur para alamin ang hinanaing nga mga maapektuhang residente.

Kung saan habang naka-park umano ang sasakyan ng kongresista, dito na ito pinagbabaril ng hindi pa nakikilalang mga salarin.

Ngunit, taliwas naman ito sa naging pahayag ni PLt Fatima Ibias-Lanuza, ang tagapagsalita ng Pili Municipal Police Station, sa panayam ng Bombo Radyo Naga.

Advertisement

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, nabatid na binabaybay umano ni Andaya ang kahabaan ng highway ng Barangay Palestina papunta sa lungsod ng Legazpi.

Samantala, narekober sa pinangyarihan ng krimen ang dalawang basyo ng bala ng Calibre .45 na baril.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang pagtunton ng mga awtoridad para sa posibleng pagkakakilanlan ng mga suspek.

Advertisement