NAGA CITY- Matagumpay ang unang araw ng isinagawang Oplan Baklas sa lalawigan ng Camarines Sur.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PCPT Liza Jane Alteza, PIO ng Camarines Sur Police Provincial Office (CSPPO), sinabi nito na katuwang ang COMELEC at iba pang ahensya, naging matagumpay ang kanilang pagba-baklsa sa mga campaign materials na nakalagay sa maling lugar.

Isa rin umano ito sa kanilang pinaghandaan kaugnay nga ng 2025 National and Local Election.

Kaugnay nito, wala naman silang naitala na mga nagreklamo na mga supporters ng mga kandidato. Gayundin, walang naitala na untoward incident sa buon durasyon ng aktibidad.

Ilan naman sa mga natanggal, ay nakalagay sa mga puon, poste ng kuryente at nakalagay sa iba pang lugar na ipinagbabawal.

Salamantala, mayroon naman silang nakadeploy na team para sa Oplan Baklas at iba pang mga team para magbantay ng komunidad o ang tinatawag na Oplan Presensya. Kung saan, makikita ang mga kapulisan sa labas ng mga paaralan at mga public places upang mapanatili ang kaayusan sa lalawigan.