NAGA CITY – Huli na umano ang desisyon ni Hongkong Chief Executive Carrie Lam sa pag-withdraw sa Extradition Bill.
Ito umano ang naging komento ngayon ng karamihan sa mga residente sa Hongkong base sa nagin report ni Bombo International Correspondent Ricky Sadiosa.
Ayon kay Sadiosa, nanindigan ang mga tao na marami na ang nasaktan sa magkakasunod na kilos-protesta habang naapektuhan na rin ang negosyo sa bansa.
Naniniwala naman ang iba na biglaang nagdesisyon si Lam para kumalma na ang mga tao lalo na at nalalapit na eleksyon sa Hongkong.
Nabatid na kahapon nang biglang nagpatawag ng pagtitipon si Lam sa mga lawmakers kung saan napag-usapan ang opisyal na pagwithdraw sa extradition bill habang tiniyak naman nito na tutugunan ng independent police inquiry sa tulong ng Judiciary ang lahat ng mga nangyaring pang-aabuso sa gitna ng kilos protesta.
Maliban dito, napag-usapan din umano ang mag hinaing ng tao gaya ng housing problems at economic issues.
Sa kabila nito, nanindigan aniya ang mga raliyista na magpapatuloy sa pagmartsa kung hindi maibibigay ang lahat ng demand ng mga tao sa pamahalaan.