NAGA CITY- Asahan umano ngayong taon ang posibleng pagbaba ng demand ng mga Christmas Product ayon sa Department of Trade and Industry (DTI).
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Jay Ablan, Tagapagsalita ng DTI CamSur, sinabi nito na ito ay dahil parin sa patuloy na nararanasang pandemya na Coronavirus Disease.
Ayon kay Ablan, marami umano ngayon sa mga mamamayan ang mas inuuna nalamang ang mga pangunahing pangangailangan kaysa sa pagbili ng mga ito.
Dahil dito posible aniya na labis na maapektohan ngayong taon ang pagbaba ng demand ng mga noche buena product sa pag sapit ng kapaskohan.
Sa ngayon patuloy naman umano ang ahensya sa pagmonitor sa mga produktong inilalabas sa merkado publiko na kung saan tinitiyak nito na dumadaan ang mga ito sa tamang proceso.