(UPDATE) NAGA CITY- Tinatayang nasa 20 metric tons ng isda ang naitalang pinsala ng fish kill sa Lake Buhi sa probinsya ng Camarines Sur.
Ito’y kasunod ng epekto ng pananalasa ng bagyong Quitan sa rehiyong Bicol.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Nonie Enolva, tagapagsalita ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR)-Bicol, sinabi nito na umabot na sa P2.1 milyon ang halaga na iniwan ng nasabing insidente sa mga mangingisda sa halos anim na barangay sa naturang bayan.
Kaugnayn nito inaasahan umano na patuloy pa itong madadagdagan dahil sa nag papatuloy paring assessment dahil sa naturang insidente.
Ayon kay Enolva, tinitingnan umanong dahilan dito ay ang pagbaba ng level ng oxygen sa ilang lugar sa Lake Buhi kasabay naman ng mataas na numero ng Ammonia content sa lugar.
Kung maalala una ng napabalita ang nangyaring fish kill sa barangay Cabatuan, Tambo, Ibayugan, Iraya, Salvacion at Sta. Elena sa nasabing bayan.
Sa ngayon, patuloy ang isinasagawang monitoring ng BFAR Bicol upang maisapinal na ang bilang at halaga ng mga naapektuhan dulot ng nakaraang sama ng panahon.