NAGA CITY- Pagpapabakuna aniya ang magiging sagot upang makabalik na sa normal na pamumuhay ang bawat isa.
Ito ang sinabi ni Pasacao Mayor Niño Tayco sa naging pagharap nito sa mga kawani ng media.
Dagdag pa ng alkalde, makakamit lamang nila ang inaasahan na herd immunity kung magpapatuloy ang pagbabakuna kahit paunti-unti ang mababakunahan sa kanyang nasasakupan.
Magugunita na una ng nagbaba ng Executive Order No. 23 ang lokal na pamahalaan ng Pasacao kung saan nakapalaman dito na mismong mga Authorized Persons Outside Residence (APOR) lamang ang papayagan na lumabas sa kanilang mga bahay.
Ipinagbabawal din ang pag-operate ng mga entertainment venues, recreational venues, amusement park, gamming establishments at outdoor sports.
Kaugnay nito, ang mga hotel lamang na may balidong accreditation mula sa Department of Tourism ang papayagan na mag-operate.
Pinapayagan naman na bumiyahe an mga pampublikong transportasyon ngunit kailangan na nasusunod ang kapasidad at protocols alinsunod sa guidelines ng DOTr.
Limitado rin sa 30% ang operasyon ng mga ahensiya ng pamahalaan at suspendido naman ang face-to-face-classes.
Ipinagbabawal naman an pagtitipon-tipon ng mga tao bukod sa mga lamay at simbahan na mayroong 30% capacity.
Kaugnay nito, kailangan na mag-presenta ng Valid I.D at medical certificate ang sinuman na papasok sa nasabing bayan.
Samantala, ang mga Barangay Health Emergency Response Teams (BHERT) ang binigyan ng direktiba na istriktong magmonitor at magpatupad ng mga health protocols sa kanilang nasasakupan na barangay.Top