NAGA CITY- Positibo ang naging reaksyong ng publiko sa pagbabalik ng Good Manners and Right Conduct o GMRC sa curriculum ng mga estudyante.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga sa isang concerned citizen, sinabi nitong napapansin niya umano ang pagbabago sa mga kabataan ngayon kumpara ng mga nakaraang panahon.
Sa ngayon umano, mas focused ang karamihan sa mga bata sa gadgets at iba pang materyal na bagay.
Aniya, marami na rin ang nakakalimot sa po at opo.
Umaasa naman itong maibabalik muli an GMRC at maging daan sa pagbabago at pagsaaayos ng ugali ng mga kabataan sa ngayon.Top