NAGA CITY – Naranasan sa unang pagkakataon ang pagbaha sa Brgy. Sto Domingo, Cainta Rizal dahil sa epekto ng bagyong Carina.
Sa nagin panayam ng Bombo Radyo Naga kay Tessie Botor, residente ng nasabing lugar, na labis na pagbaha ang kanilang naranasan nitong mga nakaraang araw dahil sa pag-ulan na dala ng bagyong Carina.
Ngunit sa kanila umanong lugar ay wala pa naman nabalitaan si Botor na may lumikas dahil matataas naman ang mga bahay dito.
Maliban na lamang umano sa mga mababang lugar sa kanilang barangay
Samantala, ang nasabi namang pagbaha ay unang pagkakataon na nangyari sa kanilang kung kaya’t hindi nila ito napaghandaan.
Sa ngayon ay panawagan na lamang nito sa lahat na palaging maghanda sa mga kalamidad na posibleng maranasan anumang oras.