NAGA CITY- Sa kabila ng pagkakaroon ng nakakahawang sakit na Covid-19 hindi umano mandatory sa bansang Netherlands ang pagsusuot ng Face mask sa lugar.
Sa report ni Bombo Intenational Correspondent Catherine Tanig Baurichter sinabi nito na mas tinututukan at sinusunod sa nasabing lugar ang social distancing na kung saan dapat ay mayroong 1.5 meters ang agwat ng bawat tao.
Ayon kay Baurichter inaasahan na sa susunod na buwan pa ang posibleng pag bubukas ng mga gusali sa lugar tulad na lamang mga mga Malls, pati narin ang mga public trasportation.
Nasa ilalim parin umano ng lockdown ang lugar kung saan hindi na muna pinahihintulutan ang mga mamamayan na lumabas sa kanilang mga tahanan.
Samantala ayon dito, isa lamang umano itong turista sa lugar kung saan tatlong buwan lamang itong dapat mananatili sa bansa ngunit naabotan na ito ng lockdown kung saan labis ang pasasalamat nito sa ibinigay na konsiderasyon ng gobyerno sa nasabing lugar.