NAGA CITY- Isasagawa ngayon ng mga simbahang katoliko sa probinsya ng Camarines Sur ang pagbudbud ng abo sa bumbumnan sa darating na ash wednesday at Kuwaresma.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Father Louie Occiano, ng Archdioces of Caceres sinabi nito na dahil sa patuloy na nararanasang pandemya kung kaya simple muna aniya ang pag sasagawa ng Kuwaresma.
Ayon kay Father Occiano, pansamantalang ipagbabawal muna paglalagay ng abo sa noo ng mga debotong katoliko sa labas ng simbahan, kung saan ito’y isa sa mga nakasanayan ng mga katoliko.
Dagdag pa nito, sa halip na ang paglalagay ng krus ay bobodbodan nalamang umano ng mga pare ng abo ang mga bombonan.
Ito’y para narin umanong maiwasan ang pagkakaroon ng contact sa ibang tawo dahil sa banta ng covid-19.
Sa ngayon tanganing ang banal na misa na lamang muna umano ang isasagawa at lilimitahan muna ang pag sasagawa ng prosisyon ng mga katoliko.