NAGA CITY – Inaasahan nanaman ngayong taon ang pagdagsa ng mga deboto ni Amang Hinulid sa bayan ng Calabanga, Camarines Sur.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Rey Hilario, may-ari/tagapag-alaga ng Amang Hinulid, sinabi nito na bukod sa kanilang paghahanda ay magkakaroon pa ng bagong ruta para sa sasakyan ni Amang Hinulid gayundin ang karagdagang medical team, at katuwang rin nila ang Philippin Army na maglalaan ng emergency vehicle.
Ayon kay Hilario, si Amang Hinulid ay mula sa Legazpi City at ibinenta ng isang Spanish National hanggang makarating sa kanilang bayan at nabili rin ng isang residente dito.
Samantala, maraming deboto umano ang natulungan ng Santo na naniniwala sa kanya.
Ang ilan sa kanila ay lubos na nagpapasalamat sa milagrong ipinakita ng Santo dahil nabigyan ng pagkakataon ang kanilang buhay ngunit dahil sa kanilang malalim na pananampalataya sa Santo ay nabubuhay pa rin sila.
Matatandaan, isa si Amang Hinulid sa mga dinarayo ng libu libong deboto tuwing Mahal na Araw dahil sa mga milagrong ginagawa nito.