NAGA CITY- Pansamantalang pinatigil ang pagdi-disinfect sa bayan ng Canaman, Camarines Sur.
Ito’y kaugnay ng naging rekomendasyon ng Department of Health (DOH) dahil mayroon aniya na posibilidad na ma-suffocate ang mga matatanda kung palagian ang pagdidisinfect sa lugar.
Mababatid na isa ang nasabing bayan sa mga lugar na mahigpit na nagpapatupad ng mga health protocols.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Canaman Mayor Nelson Legaspi, sinabi nito na pansamantala na nila munang pinatigil ang mga pag-didisinfect sa mga barangay sa kanilang bayan.
Kaugnay nito, isinasagawa na lamang ang disinfection sa mga lugar na nagrerequest sa lokal na pamahalaan tulad ng mga subdivision o mga zona na gustong magpa disinfect.
Samantala, patuloy naman ang pagbibigay ng tulong ng LGU Canaman sa mga residente na nagpapagaling pa sa COVID-19.
Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ang ibat-ibang programa ng lokal na pamahalaan ng nasabing bayan para sa kanilang mamamayan.