NAGA CITY- Itinuturing na isang makabuluhang adbokasiya ng isang 25-anyos ang pagdo-donate ng dugo.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Ananias Moran 25-anyos mula sa Pili, CamSur 1st successful blood donor, sinabi nito na dati na umano itong nagdo-donate ng dugo mula pa noong taong 2020 upang makatulong sa mga nangangailagan.

Ayon pa kay Moran, nang marining nito sa radyo at makita ang post ng Bombo Radyo sa Facebook ay kaagad itong tumugon sa panawagan at nagdesisyon na boluntaryong magdonate ng dugo.

Aniya, maliban sa makakatulong ang kanyang ginawa sa ibang tao, mayroon din umano itong magandang benepisyo sa kanyang katawan kung kaya kapag may pagkakataon hindi ito nagdadalawang-isip na maging blood donor.

Dagdag pa nito, maraming mga pasyente an nangangailangan ng dugo araw-araw sa mga ospital lalo na sa Bicol Medical Center kung kaya hanggat kaya umano nito at mayroon pahintulot ng mga doktor ay magpapatuloy sa kanyang adbokasiya na mag-donate ng dugo lalo pa sa panahon na ito na nakaranas ng hagupit ng bagyo ang Naga City at CamSur.

Balewala umano ang kaunting sakit sa pagdo-donate ng dugo kumpara sa satisfaction na makatulong sa mas nangangailangan dahil wala itong katumbas na halaga at panghabang-buhay na dadalhin ang magandang pakiramdam na makatulong sa pagdugtong ng buhay ng isang indibidwal.

Sa edad na 25-anyos, magpapatuloy umano ang kanyang boluntaryong pagdo-donate ng dugo at makiisa sa pagpapalaganap ng ganito kagandang hangarin lalo sa panahon na ito na nagkalat ang mga sakit at marami ang nangangailangan ng dugo.

Sa ngayon, hinikayat naman nito ang iba na magdonate ng kanilang dugo upang makapagsalba ng buhay ng isang indibidwal.