NAGA CITY- Nagpapatuloy ngayon ang malalimang imbestigasyon ng mga otoridad sa report patungkol sa umano’y babaeng gumagamit ng iligal na droga sa loob ng quarantine facility sa Naga City.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PSMSgt Toby Bongon, tagapagsalita ng Naga City Police Office (NCPO), sinabi nitong may nakarating naman sa kanilang impormasyon na may isang babae na nakunan ng CCTV footage habang gumagamit ng pinagbabawal na gamot sa loob ng pasilidad.
Ayon kay Bongon, may direktiba na rin si PCol. Marlon Catan, City Director ng NCPO para maimbestigahan ang nasabing insidente.
Sakaling mapatunayang totoo ang report, posible aniyang maharap sa karampatang kaso ang nasabing indibidwal.