NAGA CITY- Itinutulak ngayon ng isang opisyal ang resolusyon na layuning hatiin ang ika-3 distrito ng Camarines Sur.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Naga kay Councilor Levi Sta. Ana ng Calabanga, Camarines Sur, sinabi nitong ang naturang resolusyon ay isang panawagan para mas madagdagan ang mga serbidor na magsisilbi sa mga mamamayan sa lugar para sa mas maayos na distrito.
Ayon pa kay Sta. Ana, mahirap na umanong pamahalaan ang 3rd district dahil hindi na umano proportionate ang mga tao dito dahil sa dumadaming populsyon.
Dagdag pa ng opisyal, layunin din nito na mapanatili ang stability ng ekonomiya ng distrito.
Ang 3rd district ng lalawigan ang binubuo ng walong bayan at lungsod na kinabibilangan ng Camaligan, Canaman, Pili, Magarao, Bombon, Ocampo, Calabanga at lungsod ng Naga.