NAGA CITY- Hindi naging hadlang ang pagiging working mom sa pagkamit ng tagumpay matapos makapasok sa topnotchers sa ginawang November 2021 Nurse Licensure Examination.

Nabatid na nasungkit ni Riza B. Perez ang ika-walong pwesto sa mga nakapasa sa nasabing pagsusulit.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Perez, sinabi niyo na hindi nito inasahan na makuha ang nasabing pwesto dahil ang nais lamang nito ay ang maitawid ang eksaminasyon.

Hindi naman maiwasan na magbahagi si Perez na dumaan rin ito sa pressure dahil sa mga expectations na nakapaligid dito.

Sa kabila nito, binigay pa rin nito ang abot ng kaniyang makakaya at nagawa rin na i-balanse ang kaniyang oras sa kabila ng pagiging working mom.

Kaugnay nito, nagpasalamat rin si Perez sa lahat ng nagpalakas ng kaniyang loob, nagtiwala at sumuporta at naging inpirasyon sa kaniyang tagumpay.