NAGA CITY- Labis ang katuwaang naramdaman ng ama ni Pinay martial artist Annie Ramirez sa pagkakapanalo nito ng gold medal sa women’s jiu-jitsu -57kg sa nagpapatuloy na Asian Games 2023.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Lorenzo Cortes Ramirez, ang Ama ni jiu-jitsu Gold Medalist Annie Ramirez, sinabi nitong labis ang kaniyang kasiyahan ng malaman nitong nanalo ang kaniyang anak.
Si Annie Ramirez ay tubong Pamplona, Camarines at nagtapos ng kursong Physical education. Ayon kay Ramirez, nagsimula aniyang maglaro si Annie ng jiu-jitsu nang tumongtong ito sa High School at dapat aniyang maging sport minded ang kaniyang mga anak upang maging scholar sa kolehiyo dahil wala naman kasi aniya silang pangtustos sa kaniyang pag-aaral. Dahil dito, kaya nag pursige si Annie sa kaniyang Career.
Naging inspirasyon din aniya ni Annie ang kaniyang mga kapatid na todo suporta rin sa kaniya.
Samantala, ayon naman kay Annie na nakahanda ito palagi bago sumabak sa kompetisyon at halos tulog nalang aniya ang naging pahinga nito.
Dahil sa panibagong tagumpay ng kaniyang anak, kung kaya’t sobrang proud aniya si Ramirez sa anak dahil ang tagumpay ng kaniyang anak ang nagsisilbing premyo ng ama sa lahat ng kaniyang sakripisyo na sinusuklian lamang ng kaniyang anak.
Sa kabila nito, self-discipline ang unang pinapayo ng ama kay Annie dahil isa aniya ito sa mahalang hakbang sa tagumpay ng isang atleta.
Sa ngayon, panawagan na lamang ni Ramirez sa mga Pinoy lalong-lalo na sa mga Bicolano na patuloy na suportahan ang bawat laro ng kaniyang anak dahil hindi pa aniya ito ang huling laban ni Annie.