NAGA CITY – Umabot na sa P12-M ang kalugihan ng Bicol Central Station, Naga City simula ng ipasailalim sa Enhanced Community Quarantine hanggang sa kasalukuyang Modified GCQ ang naturang lugar.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Nonoy Reforsado, Operations Manager ng Bicol Central Station, sinabi nito na bawat taon nasa P30-M ang kanilang inaasahang kita.
Ngunit, aniya, umaasa sila na sa pamamagitan ng paunti-unting adjustment, ay makakabawi pa rin sila dito.
Ayon pa dito, kahit pa magpatuloy ang Community Quarantine, kaunti na lamang ang kanilang magiging kalugihan.
Samantala, sa kasalukuyan, iilang ruta pa lamang ang pinapayagang bumiyahe sa naturang lugar.