NAGA CITY – Nilinaw ngayon ng 9th Infantry Division, Philippine Army na hindi hazing ang dahilan ng pagkamatay ng isang military trainee sa sa Camp Elias Angeles, Caroyroyan, Pili, Camarines Sur.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Maj. Ricky Anthony Aguilar, Chief ng Division of Public Affairs Office (DPAO), sinabi nitong walang nangyaring maltreatment sa biktimang si Jhunrey Estabaya, 21 – anyos.

Maj. Ricky Anthony Aguilar

Ayon kay Aguilar, kidney failure ang dahilan ng pagkamatay ni Estabaya kung saan noong aniyang nakaraang September 6, sa gitna ng platoon run nang mag-collapse ito at agad na dinala sa hospital.

Matapos nito, magkailang beses pa aniyang nagpabalik-balik si Estabya sa ospital dahil sa pagtaas ng lebel ng blood presure at cratinine nito habang sa tuluyan nang binawian ng buhay.

Samantala, tiniyak naman ng pamunuan ng 9ID na handa silang magbigay ng tulong sa naulilang pamilya ni Estabaya.

Dagdag pa Aguilar, posibleng dati nang may problema na kidney ang biktima ngunit hindi ito nakita sa isinagawang medical examination na isa sa mga requiment bago makapagsimula sa training ang mga nais magsundalo.