NAGA CITY- Ipinaliwanag ng isang pari sa Naga City kung bakit kailangang ipagpaliban ngayong araw ang pagdiriwang ng Feast of Immaculate Conception.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Rev. Sinabi ni Fr Joey Gonzaga, Rector of the Seminary, na inilipat sa Lunes, Disyembre 9, ang kapistahan ng Immaculate Conception imbes na ngayon araw, Disyembre 8, 2024.

Isa sa mga dahilan nito ay ang tinatawag na precedence of descendants of the liturgical days na ang Sunday ay mas mataas sa Advent.

Dagdag pa rito, ang Linggo ay ang araw para kay Hesukristo, kaya ang Mahal na Ina ay nagbigay daan sa pagdiriwang ng Immaculate Conception.

Nagaganap din ang naturang insidente kapag ang petsa ng Disyembre 8 ay tumapat sa Linggo.

Sa ngayon, pinaalalahanan ni Fr Gonzaga ang lahat ng katoliko na hindi dahil nagsisimba na ngayon, ay hindi na dapat magsisimba bukas lalo na’t bilang isang Katoliko, obligasyon ng mga ito ipagdiwang ang holi day celebration ng bansa at isa na rito ang solemnity of immaculate conception.