NAGA CITY- Binawi ngayon ng ama ng menor de edad na nagpakamatay sa Brgy. Pag-Oring Nuevo Libmanan, Camarines Sur ang sinabi nitong “required laptop” ang dahilan ng pagbigti nito.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Naga sa ama ng biktima, binawi nito ang unang pahayag at sinabing hindi naman talaga kasalanan ng guro ng bata ang nasabing pangyayari.

Sa isinagawang pag-uusap sa pagitan ng magulang ng biktima at ng guro ng Pag-Oring Nuevo National High School sinabi nitong humingi aniya sila ng despensa dahil may mas malalim pa umanong dahilan ang pagpapakamatay nito at hindi dahil sa nasabing proyekto.

Aniya, nilinaw niya ang isyu ng malinis ang pangalan ng guro ng kanyang anak.

Samantala, ayon pa dito wala na silang plano o hakbang dahil wala naman umanong dapat na sisihin sa naturang pangyayari.