NAGA CITY – Pabor ang isang councilor sa lungsod ng Naga hinggil sa Mandanas Ruling ng pamahalaan.

Sa naging pagharap sa mga kagawad ng media ni Naga City Councilor Buddy Del Castillo, sinabi nito na malaki aniya ang tulong ng nasabing implementasyon pag-dating sa magiging pagtaas sa Internal Revenue Allotment (IRA) ng mga Local Government Unit.

Ayon kasi sa ruling, madadagdagan ang IRA ng mga Local Government Unit ng nasa 55% sa 2022; P1.08 trillion o 4.8 percent ng Gross Domestic product ng bansa kung ikukumpara ng bansa ang 3.5 person GDP ngayong taon.

Kaugnay nito, pantay na ang computation ng national taxes ng bawat lokal na pamahalaan.

Ibig sabihin, hindi lang aniya malilimitaran at babase sa kinokolekta ng Bureau of Internal Reveneu ngunit dapat na magbase ang mga mamamayan sa lahat na nagkokolekta ng national taxes tulad nalang ng nasa Bureau of Customs.

Ayon sa konsehal, malaking tulong aniya ito sa lokal na pamahalaan ngunit lalo naman nitong maaapektuhan ang pondo ng gobyerno nasyonal para susunod na fiscal year.

Samantala, ang nasabing Mandanas ruling ang ipapatupad naman sa susunod na fiscal year 2022.

Sa ngayon, gusto aniya ng konsehal na magkaroon ng kaukulang pondo para sa COVID-19 response ng lungsod, social services, tulad na lamang ng mga imprastraktura lalo na ngayon na nagpapatuloy na pandemya.