NAGA CITY- Patas lamang umano ang naging desisyon ng Department of Education sa pagpapa-report sa mga guro sa mga paaralan sa darating na May 2-13, 2022.
Mababatid na pormal na inanunsiyo ng ahensiya ang pagsuspendi ng klase mula Kindergarten hanggang Grade 12 upang bigyang daan ang paghahanda sa mga classrom sa darating na eleksiyon.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga ki DepEd UnderSecretary Diosdado San Antonio, naniniwala ito na ang pagpunta pa rin nga mga guro sa paaralan ay magiging patas para sa lahat ng mga kawani ng pamahalaan lalo na at hindi na pianpatnugot ng IATF ang work from home arrangement.
Aniya, malaiban sa pagtuturo sa mga bata may iba pang obligasyon ang mga guro gaya na lamang ng paghahanda at pag-update sa mga records.
Binigyang diin pa ng opisyal, mas marami ang nagagawa kung nasa paaralan ang mga guro lalo na sa mga panahon na kailangan ng kanilang pagsisilbi.