NAGA CITY – Nagpresenta ng resolusyon ang isang konsehal sa lungsod ng Naga hinggil sa pagrefund ng monthly power bill ng mga member consumers ng CASURECO II.

Sa naging mensahe ni Naga City Councilor Vidal Castillo, sinabi nito na ilang taon na ang nakalipas matapos na mangako ang Camarines Sur II Electric Cooperative Incorporated na i-rerefund nila ang pera ng mga consumers sa kanilang montly power bill.

Aniya, alam ng ERC at ng CASURECO II ang kanilang obligasyon habang ayon naman umano sa tagapagsalita ng kooperatiba naghihintay pa sila ng desisyon ng ERC ngunit hanggang ngayon ay hindi pa nagbibigay ng update hinggil dito.

Dahil dito, panawagan ng opisyal na maipasa ang kaniyang resolusyon na naglalayon na maibalik sa mga member consumers ang kanilang labis na naibayan simula noong Mayo 26, 2015 hanggang Abril 17, 2023.

Ito’y dahil na rin sa patuloy na pagtaas ng singil sa kuryente.