NAGA CITY – Binigyang diin ng isang abogado na maiikonsidera pa rin na paninirang-puri ang pagsasalita ng masama tungkol sa isang taong pumanaw na.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Atty. Paolo Punsalan, isang legal counsel, sinabi nito na kasama sa batas ng paninirang-puri ang paninira sa isang tao kahit patay na ito gayundin ang paninirang-puri sa social media na kasama rin sa cyber libel.
Gayunpaman, maaari rin itong ituring na Cyber-libel hanggang sa may publisidad o sinabi sa publiko, ngunit kung ito ay isang personal na mensahe, maaaring ito ay isang paglabag sa Unjust Vexation.
Samantala, ang paninirang-puri ay nangangailangan din ng imputed na defamatory statements laban sa isang tao na naging sanhi ng paninira.
Ang mga elementong ito ay kabaligtaran din ng oral cyber-liber dahil gumagamit ito ng pananalita habang ang cyber-libel ay sa pamamagitan ng kompyuter o teknolohiya.