NAGA CITY – Nagpasiklaban ang iba’t-ibang paaralan sa katatapos lamang na 12th Bicol Region Military Parade and Majorettes and Band Exhibition sa lungsod ng Naga.
Ito ay kaugnay pa rin ng pagdiriwang ng Peñafrancia Festival.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Vic Avila, ang Committee Program Director ng naturang aktibidad, sinabi nito na kasama sa mga nakilahok ang 30 paaralan sa kategorya ng CAT Unit, apat na MAPEH at 12 ROTC o mula sa mga kolehiyo.
Kasama rin sa naturang bilang ng mga lumahok ang mula sa Sorsogon, Albay, Camarines Sur asin Iriga City.
Kaugnay ng naturang aktibidad, naging mahigpit naman ang pagpapatupad ng seguridad sa Plaza Rizal para matiyak ang kaligtasan ng lahat na nakilahok sa parada.
Una na ring sinabi ni Councilor Omar Buenafe, ang Chairman naman ng nasabing aktibidad na sumunod umano ang lahat ng mga nakilahok sa mga panuntunan gaya na lamang ng pagsunod sa mga health protocols.
Samantala, hindi rin naiwasan ang pagkakatala ng mga nawalan ng malay mula sa mga partisipante na agad namang pinatawan ng paunang lunas.
Sa pangkalahatan, naging matagumpay ang nasabing Bicol Region Military Parade matapos ang dalawang taon na pagkakaantala ng pagdiriwang ng Peñafrancia Festival.
Kasado na rin ang isasagawang Fluvial Procession bukas na magsisimula bandang alas-4 ng hapon kung saan ibabalik ang imahe ni Nuestra Señora de Peñafrancia sa Basilica Minore mula sa tinatawag na “Reyna del Bicol” Landing sa bahagi ng Brgy. Dinaga sa lungsod ng Naga.
Sa kabila naman nito, nagpasalamat si Rodriguez sa Bombo Radyo Naga dahil sa pagiging aktibo ng himpilan maging sa mga nakaraang taon na pagdiriwang ng nasabing ka-fiestahan.