NAGA CITY – Nagpapatuloy ang isinasagawang paglikas sa mga residente na naapektuhan ng bagyong Paeng sa lalawigan ng Camarines Sur.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Christian Aris Guevarra, LDRRMO III ng bayan ng Caramoan, sa nasabing lalawigan, sinabi nito na nagpapatuloy ang isinasagawa nilang paglilikas sa mga residente sa kanilang lugar na humihingi ng asistensya.

Aniya, kahapon pa lamang ay preparado na ang lahat ng mga personahe ng kanilang opisina para sa anumang biglaang operasyon sakali na mayroong humingi ng tulong, kung kaya wala naman umano itong nakikitang problema sa kasalukuyan.

Ngunit sa ngayon, wala pang eksaktong datos ng mga residenteng nailikas na mula sa iba’t-ibang bahagi ng lalawigan maging sa Naga City.

Samantala, una na ring nagpababa ng suspension of work and classes sa lalawigan ng Camarines Sur at lungsod ng Naga.

Paalala na lamang ni Guevarra sa lahat ng mga babyahe pauwi sa kani-kanilang mga lugar na makipag-ugnayan muna sa LGU na madadaanan dahil sa kabila na passable pa ang lahat ng daanan sa nasabing bayan, may mga lugar naman na posibleng hindi na madaanan dahil sa mga naitalang landslides at flashfloods.