NAGA CITY- Pinaniniwalaang sinadya ang panununog ng isang senior citizen na lalaki sa sikat na pyschiatric clinic sa ika-apat na palapag ng gusali sa Osaka, Japan.
Kung maaalala, ang naturang insidente ang nagresulta sa pagkasawi ng nasa humigit kumulang 30-katao.
Sa ulat ni Bombo International News Correspondent Myles Beltran mula sa nasabing bansa, sinabi nito na hindi pa matukoy ang motibo ng suspek sa krimen.
Aniya, marami umano ang nasa malubahang kalagayan dahil sa nasabing insidente.
Dagdag pa ni Beltran, wala ng kasama sa buhay ang suspek at nabatid rin na sinunog pa nito ang tinutuluyan, 400 metro ang layo sa nasabing gusali.
Sinabi nito na bago sunugin ang sariling bahay, inabandona muna ito ng matanda ng ilang araw at dito na sinunod ang nasabing klinika.
May dala umanong paper bag ang suspek na may laman na likido at sinipa papunta sa may heater kung kaya mabilis na sumiklab at kumalat ang apoy.
Dahil dito, maraming mga nurse at pasyente ang kabilang sa mga binawian ng buhay dahil sa suffocation habang marami naman ang lubhang nasugatan.
Inilahad ni Beltran na karamihan umano kasi sa mga ganun na edad na wala ng kasama sa buhay sa Japan ang gumagawa ng dahilan upang makulong na lamang na katumbas umano na isang suicide para sa kanila.
Sa kabila nito, nasa 50 rescuers ng fire departments at 10 ambulansiya umano ang rumesponde sa lugar habang umabot naman ng halos isang oras bago ideklarang fired out na ang sunog.Top