NAGA CITY- Patay ang isang barangay kapitan matapos ang nangyaring armed confrontation sa Iriga City, Camarines Sur.

Kinilala ang suspek na si Elmer Casabuena Nuñez, 50 anyos,isang incumbent Barangay kapitan at residente ng Zone 2, Barangay Niño Jesus, sa nasabing lungsod.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Officve (CSPPO), nabatid na magsisilbi lamang sana ng search warrant ang mg awtoridad laban sa suspek na pinaniniwalaang sangkot sa iligal na droga.

Base sa imbestigasyon ng mga awtoridad, nabatid na tumanggi ang suspek na papasukin sa kaniyang bahay ang mga nagpakilalang pulis kung kaya sapilitan ng pumasok ang mga awtoridad.

Ngunit, nabatid na armado umano ng baril ang suspek at una nitong pinaputukan ang mga otoridad na agad namang gumanti rin ng putok sa suspek resulta upang magtamo ito ng tama na naging resulta ng kanyang agarang pagkamatay.

Narekober naman ng mga otoridad sa lugar ng pinangyarihan ng insidente ang isang kalibre .38 revolver, isang empty shell ng pinaghihinalaang .9mm. at 20 piraso ng heat-sealed plastic sachet ng pinaghihinalanang shabu at mga drug paraphernalia.

Samantala, dahil sa umanoy kilala ang nasabing lugar sa presensya ng mga pinaniniwalaang mga rebeldeng groupo kung kaya agad umanong umalis ang mga otoridad sa nasabing lugar.

Sa ngayon nag papatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa nasabing insidente.