NAGA CITY- Naitala ang pagtaas ng bilang ng HIV cases sa Naga City.
Sa naging mensahe ni Dr. Joey Rañola, BMC Point Person for Emerging & Re-Emerging Infectious Disease, sinabi nito na ang BMC ang isang treatment hub para sa HIV at ngayong buwan, ang kanilang HIV clients at iba pang treatment ang nasa mahigit 700.
Ayon pa kay Rañola, isang foundation ang magbibigay ng global health fund sa Bicol Region upang makatulong sa HIV awareness, HIV treatment at iba. Kun saan, tanging ang Albay, Sorsogon at Naga ang napili para sa nasabing pondo dahil sa pagtaas ng kaso ng nasabing sakit. Ito’y dahil matapos ang umano’y pandemya, marami ang nagpatest sa kanilang ospital.
Pero marami pa ring ang hindi pa nadedetect dahil hindi pa nagpapatest sa kanila.
Samantala, ang nasabing pondo ay malaking tulong sa mga pasyente na mayroong HIV lalo na ang mga walang pera.
Inamin naman ng opisyal na mayroon pang stegma sa isyu pero dahil sa patuloy na kampanya ng kanilang opisina na magkaroon ng testing sa komunidad paunti-unti ito ay nababawasan.
Nanawagan naman ang doktor sa publiko na magpatest sa ganitong sakit upang malaman kaagad ang estado ng kanilang katawan kahit walang nakikitang sintomas.