Umani ng iba’t bang komento mula sa mga mamamayang Pilipino ang pagtakbo ng mag-aamang Duterte sa 2025 midterm elections.
Maaalala, inanunsyo ni Vice President Sara Duterte na tatakbong senador sa 2025 midterm elections ang kanyang ama at dalawang kapatid na si Davao City Mayor Baste Duterte, at si Davao City 1st District Rep. Pulong Duterte.
Ayon sa ilang komento ng mga netizen, ang nasabing kaplanuhan ang patunay ng lumalalang hidwaan ng dalawang malaking political family sa bansa ang mga Marcos at Duterte.
Para naman sa iba, desperado ang balak na pagtakbo umano ng tatlong Duterte bilang Senador sa 2025 midterm elections.
Habang tinawag naman na pagpapakita ng political dynasty ng ilan ang nasabing anunsyo.
Sa ngayon, pinaalalahanan naman ng mga political expert an mga mamamayang Pilipino na magig matalino sa pagboto para sa isasagawang 2025 midterm elections.