NAGA CITY- Kinakailangan pa rin umano ng malalimang pag-aaral bago maisagawa ang pagtanggal sa exercise tan ng produktong petrolyo sa bansa dahil sa posible itong magresulta sa pagkakalugi ng pamahalaan.
Ayon kay Sir Andrew Arellano, Instructor sa Department of Agriculture Economics sa CBSUA, ipinaliwanag nito na kailangan muna ang masusing pag-aaral sa posibleng haba ng durasyon sa pagsususpinde nito.
Mababatid na ilang grupo at mga lehislador ang isinusulong ang pagsususpinde ng excise tax sa langis kasunod ng sunud-sunod na oil price hike sa bansa.
Dagdag pa ni Arellano, posible itong makaapekto sa mga serbisyo na ibinibigay ng gobyerno kung kaya iminungkahi rin niya na maliban sa pagtanggal sa excise tax maaari rin derektang ibigay na sa mga naapektuhan na sektor ang budget na nakalaan para sa kanila.
Maliban pa dito, sinabi din ni Arellano na maaari rin amyendahan na ang oil deregulation law upang magkaroon ng pangil ang gobyerno na makialam sa usapin sa petrolyo at sa posibilidad na pagtaas ng presyo ng bilihin sa merkado.