NAGA CITY – Ikinatuwa ng kampo ni Vice President Lebni Robredo ang naging desisyon ng Korte Suprema na nagsisilbing Presidential Electoral Tribunal (PET) na tapusin na ang recount at revision ng mga balota sa tatlong pilot provinces na Iloilo, Negros Oriental at Camarines Sur.
Ito’y may kaugnayan parin sa poll protest na isinampa ni dating Sen. BongBong Marcos laban kay Robredo.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Naga kay dating Naga City Councilor Jun Lavadia, isa sa mga malalapit na kaibigan ng pamilya Robredo, sinabi nitong kahit umano long overdue na ang pagpapalabas ng resulta, ikinatutuwa pa rin nila ito dahil isa lamang itong patunay na talo naman talaga si Marcos sa nakalipas na Vice Presidential race noong nakaraang 2016 election.
Ayon kay Lavadia, kahit may ginawang recount, masyadong malayo ang naging agwat ng boto ng dalawa.
Maliban kay Lavadia, ikinatuwa rin ng ilang mga taga suporta ng Pamilya Robredo sa lungsod ng Naga ang naturang desisyon.