NAGA CITY- Ibinahagi ng isang opisyal sa Naga City ang mga aktibidades na isinasagawa sa lungsod kaugnay ng National Flag Days.
Sa naging pagharap sa mga kagawad ng media ni Naga City Councilor Joe Perez, sinabi nito na maraming aktibidad ang nakahilera ngayong National Flag Day.
Isa na dito ang pag-alala sa pagkamatay ni Juan Q. Miranda na author ng Chapter Naga sa unang araw ng Hunyo. Habang sa Hunyo 18, ito rin ang araw kung saan nito naipundar ang RA 305 na nagmamandato sa Naga bilang isang independence City.
Sa darating naman na Hunyo 19, ang kaarawan ni Dr. Jose Rizal. Dahil dito, loading umano ang mga aktibidad na isasagawa sa lungsod kung saan, mapupuno ng mga watawat ng Pilipinas ang iba’t ibang mahahalagang lugar sa lungsod.
Kaugnay nito, dapat rin umanong inoobserbahan ang mga mahahalagang aktibidad sa mahalagang araw upang maging edukado ang bagong henerasyon at maging matibay ang kanilang pagmamahal sa bayan.
Sa ngayon ay nananawagan na lamang si Perez sa lambang Pinoy na makiisa sa isasagawang mga aktibidad na may kinalaman sa ating watawat dahil isa umano ito sa nagpapakita ng pagmamahal sa bayan.