NAGA CITY – Pagpatay ng mga non-essential electric lights sa loob ng isang oras malaki ang maiitulong sa pagprotekta at pagsalba ng kapaligiran kaugnay sa selebrasyon ng Earth Hour

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Rinner Bucay, tagapagsalita ng Casureco 2, hinikayat nito ang publiko na makiisa sa isang oras na pag switch off simula alas-8:30 hanggang alas-9:30.

Aniya, napaka importante ng pakikiisa sa mga katulad nitong malalaking aktibidad dahil bibihira na ang nagsasagawa at sumasali sa mga ganitong hakbang upang maprotektahan ang mundo laban sa tuluyan nitong pagkasira.

Kaugnay nito, nanawagan ang opisyal sa lahat ng tao, komunidad, kompanya, mga leaders ng iba’t-ibang bansa na makiisa sa isang oras na pag-switch off ng mga non-essential electric lights sa buong mundo upang ipakita ang kanilang commitment sa pagsalba sa mundo.

Dagdag pa ni Bucay, malaki ang maiicontribute ng isang oras na pag-switch off ng mga ilaw sa buong mundo sa pagtipid sa paggamit nito lalo na ngayon na nahaharap ang Pilipinas sa kakulangan sa supply ng kuryente dahil sa mataas na demand na dala ng mainit na panahon.

Maliban pa dito malaki rin ang maitutulong nito upang makapag pahinga ang lahat mula sa polusyon na mula sa mga tao.

Maaalala na noong 2019 umabot sa 195.34 megawatts ang na-conserve na kuryente dahil sa pagsasagawa ng Earth hour, nagpapakita lamang umano ito na sa pagbaba ng pagkonsumo ng kuryente, mapipigilan rin ang pagkasira ng mundo.

Ito’y dahil sa pagtitipid sa kuryente nababawasan rin ang demand sa pagsusunog ng fossil fuel na ginagamit sa pag produce ng kuryente na labis na nakakasira sa kapaligiran.

Sa ngayon, hangad na lamang ni Bucay na maging aktibong participants ang bawat isa mga ganitong napaka importanteng event para sa ikakaayos ng ating mundo at kapaligiran.