NAGA CITY- Nilinaw ngayon ng Departmnent of Education DepEd na hindi naman kinansela ang Palarong Bicol 2020 subalit inadjust lamang ang petsa nito na nakatakdang isagawa sa lalawigan ng Camarines Norte.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Nelson Gomez Division Sports Officer ng DepEd-Camarines Norte, sinabi nitong nakatakdang sana magsidatingan ang mga delegado mula sa iba’t ibang mga lalawigan at lungsod sa Pebrero 26-27 kung saan opisyal na magsisimula ang palaro sa Marso 1-7, 2020.
Subalit dahil sa isyu ng novel coronavirus, inadjust ang nasabing petsa kung saan inaaasahan na lamang dadating ang delegasyon sa Marso 1-3 habang tinitingnan naman na gawing opening date ang Marso 5, 2020.
Sa kabila nito, ayon kay Gomez hihintayin pa nila ang pinal na pag-uusap ng DepEd Bicol, clearance at go signal na ibibigay ng Department of Health
(DOH).
Samantala, ngayong linggo inaaasahan namang maisasapinal na ang petsa ng nasabing palaro.
Una rito, siniguro naman ni Santos na handang handa na ang billeting centers at iba pang pasilidad na gagamitan sa nasabing palaro.