NAGA CITY- Palaisipan pa sa mga taga-Barangay Patitinan, Sagñay, Camarines Sur ang nangyaring pamamaril-patay sa isang 15-anyos na daragita.

Kinilala itong si Jessiel Cultivo isang ina at may live-in partner.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Barangay Chairman Zayda Baron, sinabi nito na may nag hahanap umano sa live-in partner ng biktima rason para lumabas ito sa kanilang bahay at saka ito pinag-babaril.

Nagtamo ng tama ng bala ng baril ang 15-anyos sa kanyang noo at dibdib na naging dahilan ng kaniyang agarang kamatayan.

Naniniwala ang pamilya na pagkamalan lamang ang dalagita habang ayaw naring patulan ng mga ospiyal ang mga agam-agam na ang mismong mister nito ang may gawa sa krimen.

Sa ngayon nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa naturang pangyayari.