Pamamaslang sa isang babae sa CamSur, may persons of interest na-PNP

NAGA CITY- Kinumpirma ngayon ng Philippine National Police (PNP) na may persons of interest na sa isang babae na pinaniniwalaang ginahasa muna

bago pinatay sa Barangay Loba-Loba, Libmanan, Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Pauline Magsipok, 21-anyos.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PStaff Sgt Emyrose Organis, tagapagsalita ng Libmanan-PNP, sinabi nitong may mga lumabas na witness sa

krimen na tumulutong ngayon sa kapulisan para ginagawang imbestigasyon.

Ayon kay Organis, hindi naman nagpapabaya ang kapulisan at ginagawa naman ang lahat para maresolba ang krimen.

Kung maaalala, base sa kwento ng ina ng biktimang si Pauline Masipok, lumabas ng madaling araw ang biktima matapos may tumatawag sa cellphone

nito.

Ngunit nag-umaga na umano pero hindi na nakabalik ang biktima kung kaya humingi ng ng tulong ang pamilya sa mga otoridad.

Hanggang sa natagpuan na lamang ang katawan nitong nakahandusay, wala nang buhay at may ginilitan sa leeg.